-- Advertisements --

CEBU CITY – Nangangamba na ngayon ang mga guro sa isang paaralan sa bayan ng San Isidro, Leyte matapos binaha ng tubig-ulan ang Daja Central School sa Brgy. Daja diot at nabasa pa ang mga kagamitan rito, kasama pa ang mga modules ng kanilang mga mag-aaral.

Ito ang isa sa mga pinsala na dulot ng pananalasa ng Bagyong Dante ng dumaan ito sa probinsya ng Leyte at sa kabisay-an.

Ayun pa sa principal ng Daja Central School na si Julita Ocubillo Asuero, sinira ng tubig baha ang mga report cards at iba pang records nga mga estudyante ng lamunin nito ang lahat ng klasroom, maliba lang sa bagong building.

Sinusubukan ngayon nga mga guro at school staff sa Daja Central School ang iba pang options kagaya ng blended learning para sa mga mag-aaral maliban sa ginagamit nila na modular learning.

Nakikipag-ugnayan na rin ito sa Department of Education – Western Visayas sa kaukulang tulong galing sa ahensya.