-- Advertisements --

Magiging sentro sa ikalawang presidential candidates ng Commission on Elections (Comelec) ang isyu o theme na iikot sa “government accountability, foreign relations at safety and security” kung ano ang kanilang mga pananaw kung sakaling mahalal na presidente ng Pilipinas.

Sa huling impormasyon, si dating Sen. Bongbong Marcos ay hindi na naman dadalo sa naturang balitaktakan.

Habang kumpirmadong muling makikibahagi sa debate sina Vice President Leni Robredo, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, Sen. Manny Pacquiao, Sen. Ping Lacson, dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella, labor leader Leody de Guzman, former Defense chief Norberto Gonzales, businessman Faisal Mangondato, at Dr. Jose Montemayor.

Ang veteran journalist na si Ces Drilon ang magsisilbing moderator.

Ang debate ay mapapanood din at mapapakinggan sa mga Bombo Radyo stations nationwide, sa Star FM at mga social media plartforms.

Samantala sa pagkakataong ito binago na ng Comelec ang sistema ng debate para daw mas maging exciting ang palitan ng mga pahayag ng mga magkakalaban sa pagkapangulo.

Ayon sa Comelec mas lalo raw magkakasubukan ang mga ito sa talino at galing lalo na at malaking hamon ang maging presidente ng Pilipinas.

Una nang sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez na kabilang sa kanilang pagbabago ay mas hinabaan ang pagsagot ng mga presidentiables ng hanggang two minutes, kung saan noong March 19 ang mga kandidato ay meron lamang 90 seconds sa pagsagot.

COMELEC PRESIDENTIAL DEBATE

Meron din silang 30 seconds para sa rebuttal.

Ang siyam na mga kandidato ay bibigyan din ng 60 seconds para sa kanilang closing statement.

Sa gagawing format, hahatiin ito sa kabuuang apat na mga segments.

Sa unang bahagi ng pingkian ng talino merong general question para sa lahat na kanilang sasagutin.

Isa pa sa modifications sa bawat, susunod na segment hahatiin ang mga kandidato sa tatlong grupo at bibigyan sila ng tig-isang question na siyang magiging sentro ng kanilang debate.

Sa bawat segment at ay magbabago ang bawat grupo.

Ang naturang groupings ay madedetermina sa gagawing draw lots, dakong alas singko ng hapon.

Ang debate ay magsisimula ng alas-7:00 bukas ng gabi.