-- Advertisements --
Binigyan na ng US Food and Drug Administration ng otorisasyon ang COVID-19 vaccines na gawa ng Moderna at Pfizer/BioNTech para magamit sa mga batang edad anim na buwan pataas.
Paglilinaw naman ng US Centers for Disease Control and Prevention na hindi pa agad ito maibibigay hannggang hindi nila ito maaprubahan.
Magsasagawa pa kasi ng botohan ang US CDC kung maaari ng iturok ang nasabing bakuna.
Nauna ng nabigya ng otorisasyon ang Moderna na gamitin sa mga batang edad anim na buwan hanggang 17 taon hbang ang Pfizer/ BioNTech ay gagamitin ng bata mula anim na buwan hangang 17 taon.