Labis ang pasasalamat ng organizers ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa mga fans na nag-abang ng Parade of the Stars.
Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at MMFF Over-all Chairman Atty. Romando Artes na nakakagaan ng loob dahil sa pagtangkilik ng mga fans ang nasabing parada.
Hinikayat din nito ang mga tao na tangkilikin ang mga pelikula na ipapalabas sa iba’t-ibang sinehan sa bansa.
Bumiyahe mula Quezon Avenue at nagtapos sa Quezon Memorial Circle ang nasabing parada na ito ang ay ibinalik matapos ang dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Magsisimulang ipalabas ang walong pelikula sa mga sinehan simula Disyembre 25 hanggang Enero 7, 2023.
Binubuo ito ng walong pelikula na kinabibilangan ng : “Deleter,” “Family Matters,” “Mamasapano: Now It Can Be Told,” “My Father, Myself,” “Nanahimik ang Gabi,” “Partners in Crime,” “Labyu with an Accent,” at “My Teacher.”