-- Advertisements --
Patuloy ang panawagan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa publiko na iwasan na ang paggamit ng mga single-use plastics gaya ng mga plastic na kutsara, tinidor at plastic bottles.
Ito kasi ang karamihang nakuha nila sa mga estero, kanal at daluyan ng tubig ng magsagawa sila ng clearing operations.
Kapag aniya nabawasan ang paggamit nito ay mababawasan ang nasabing basura na itinatapon.
Isinusulong din ng waste management programs sa ilalim ng Metro Manila Flood Management Project Phase 1 ang nasabing pagbawas ng paggamit ng single-use plastic para maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila.