-- Advertisements --
Binalaan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na huwag maniwala sa pagpapakalat ng mga impormasyon na umiikot sa social media ukol sa pagbabalik ng implementasyon ng No Contact Apprehension Policy (NCAP).
Ibinahagi ng MMDA ang isang fakenews sa social media na kanilang ipapatupad ang NCAP sa darating na Nobyembre 15.
Hind aniya galing sa MMDA ang nasabing pagpapakalat ng balita at ito ay malinaw na peke.
Nagsasagawa na sila ng imbestigasyon kung sino ang nagpakalat ng nasabing maling balita.
Magugunitang naglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO ) laban sa NCAP na ipinapatupad ng mga iba’t-ibang local government unit sa Metro Manila.