-- Advertisements --
Ikinalungkot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang patuloy na pagdami ng mga nakukulektang basura sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Sinabi ni MMDA Chairman Atty. Romando Artes, na sa halos araw-araw nilang paglilinis sa mga iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila ay tila hindi nauubos ito.
Nakipag-ugnayan na rin sila sa mga iba’t-ibang mga Local Government Unit sa National Capital Region (NCR) para atasan ang palagiang paglilinis sa kanilang mga nasasakupan lalo na at nagsimula na ang panahon ng tag-ulan.
Tiwala din ang MMDA na kanilang makukulekta ang mga tinanggal na campaign materials kung saan ang iba ay kanilang ibinigay sa mga paaralan na nagsasagawa ng pag-recycle sa nasabing mga nakulektang binaklas na campaign materials.