-- Advertisements --

Hinimok ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mall operators na buksan ang kanilang parking spaces para sa publiko sa Luzon sa gitna ng inaasahang epekto ng bagyong Inday.

Sa isang memorandum order, sinabi ng MMDA na epektibo ito simula ngayong gabi ng Huwebes at mananatiling bukas hanggang sa dumaan ang bagyo.

Base sa naturang kautusan ni MMDA chairperson Don Artes, lahat ng shopping mall operators ang hinihikayat na buksan ang kanilang parking spaces para sa magdamagang parking bilang pansamantalang safe parking spaces sa mga sasakyan sa gitna ng inaasahang malalakas na hangin at mabibigat na pag-ulang dala ng bagyong Inday sa Metro Manila at iba pang probinsiya.

Inabisuhan naman ng ahensiya ang mga motorista na sumunod sa mga parking guidelines ng malls.