Nagdeklara ng suspensiyon ng klase ang ilang lokal na pamahalaan sa Luzon ngayong Lunes, Hulyo 13 dahil sa masungit na lagay ng panahon dala ng hanging habagat at bagyong Inday.
Sa Ilocos Region, partikular sa lalawigan ng Pangasian, kanselado ang mga klase sa lahat ng antas sa public at private schools sa Dagupan City, Alaminos City, Anda, Agno, Bani, Binmaley, Bolinao, Bugallon, Burgos, Dasol, Infanta, Laoac, Mabini, Mapandan, Mangatarem, Natividad, Pozorrubio, San Carlos City, San Fabian, San Jacinto, San Manuel, Santo Tomas, Sual, Umingan at Urbiztondo.
Habang nagdeklara naman ng suspensiyon ng klase sa day care hanggang senior high school sa public at private sa bayan ng Aguilar, Basista, Bautista, Calasiao, Manaoag, Mangaldan, at San Quintin.
Mula pre-school naman hanggang elementarya ang walang klase sa public at private schools sa mga bayan ng Santa Maria at Sison.
Sa Central Luzon naman, partikular sa probinsiya ng Bataan, lahat ng antas sa public at private sa buong probinsiya ay walang pasok.
Sa Bulacan naman, sinuspendi ang klase sa lahat ng antas sa Bulacan, Obando, Calumpit, Malolos City, San Jose del Monte City, Paombong, Marilao, Balagtas, Guiguinto, Norzagaray, Pandi, Bustos, Pulilan, Meycauayan City, San Miguel, San Rafael, Plaridel, San Ildefonso, Bocaue at Hagonoy.
Habang mula daycare hanggang senior high school naman ang walang pasok sa Santa Maria at mula kinder hanggang Grade 12 naman sa Baliwag City.
Sa Pampanga, suspendido ang klase hanggang sekondraya sa Candaba.
Sa Zambales, walang pasok sa mga paaralan sa lahat ng antas sa Macabebe, Masantol. Olongapo, Subic, Castillejos, San Marcelino, San Antonio, San Narciso, San felipe, Cabangan, Iba, Botolan, Palauig, Masinloc, Candelaria at Sta. Cruz.
Sa Calabarzon, nagsuspendi na rin ng klase sa lahat ng antas sa public at private sa Cainta at Taytay sa lalawigan ng Rizal.
















