-- Advertisements --

Lumobo na sa 57,316 pamilya ang natukoy na apektado sa pananalasa ng bagyong Inday na nagpapalala sa umiiral na hanging habagat.

Ito ay katumbas ng mahigit sa 248,000 indibidwal mula sa 161 barangay sa buong bansa.

Sa ngayon, nananatili sa loob ng evacuation center ang mahigit 6,400 katao o katumbas ng 1,900 pamilya.

Binuksan na rin ng pamahalaan ang mahigit 40 evacuation cnter para mapagsilungan ng mga biktima ng pagbaha at malawakang pag-ulan.

Inaasahang lolobo pa ang naturang datus habang nagpapatuloy ang assessment at validation ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga apektadong lugar at mga residente.

Kabilang sa mga apektadong rehiyon ay ang Cagayan Valley, Cordillera, Ilocos Region, Central Luzon, Western Visayas, Negros Island, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, at BARMM.