-- Advertisements --

Pumirma ng kontrata sa Brave Combat Federation si dating PXC flyweight champion Jenel Lausa para exclusive multi-fight contract.

Naging UFC martial arts fighter mula 2016-2018 si Lausa na mayroong record na pitong panalo at limang talo.

Isa rin itong boksingero na mayroong record na 10 panalo, walang talo at isang draw na mayroong anim na knockouts.

Sinabi ng 32-anyos na Iloilo native na sabik na ito ng bumalik sa martial arts at pinasalamatan nito ang Baharain based – Brave CF sa ibinigay sa kaniya na oportunidad.