Reading Time: 1 minute

NAGA CITY – Aminado ang isang mister sa pagpaslang sa mismong misis nito sa Barangay Sua Canaman, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga sa suspek na si Andres Marcaida, pumunta aniya sa kanilang bahay ang asawang si Mary France para sana kunin ang kanilang dalawang anak ngunit doon na nagsimula ang kanilang mainitang pagtatalo na nauwi sa kanyang pananaksak.

Kwento ni Marcaida, una pa lamang alam na niya na may ibang karelasyon ang kanyang asawa matapos umamin sa kanya.

Ayon kay Marcaida, nagtatrabaho sa ibang bansa si Mary France at umuwi aniya ito hindi para sakanila ngunit para sa karelasyon nito.

Dagdag pa ng suspek, bagama’t may nararamdaman aniya siyang umaawat sa kanya at sumisigaw, ngunit tila wala siyang nakikita at naririnig ng mga panahong inuundayan niya ng saksak ang kanyang asawa.

Sa ngayon, nananatili na sa kustodiya ng mga otoridad ang naturang padre de pamilya.