-- Advertisements --
Sinampahan ng Missouri ang gobyerno ng China dahil sa kapabayaan sa pagkalat ng coronavirus.
Sinabi ni Missouri Attorney General Eric Schmitt, na may pagtatakip na ginawa ang China dahil hindi nito isinawalat ang mga mahahalagang impormasyon.
Wala din aniya ginawa ang gobyerno ng China para tuluyang mapigill ang pagkalat ng virus.
Nasa mahigit 6,000 na ang nadapuan ng virus habang mayroong mahigit 200 na rin ang nasawi sa nasabing lugar.
Maraming mga law experts ang nagsabi na mahaharap sa mabigat na debate ang kaso dahil protektado ang China ng sovereign immunity.