-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tulad ng kanyang pangako, pinasyalan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang flagship station ng Bombo Radyo Philippines

Ang Bombo Radyo ay nag-iisang media station sa Iloilo na binisita ni Rabiya sa kanyang homecoming sa Iloilo.

Una nang nangako si Rabiya na bibisita siya sa Bombo Radyo Iloilo sa kanyang pag-uwi matapos kinoronahang Miss Universe Philippines na idinaos sa Baguio City.

Game pang nagtambol ng drum si Rabiya kasabay ng pagsabi ng “Basta Radyo Bombo!”

“This is Rabiya Occeña Mateo, your Miss Universe Philippines 2020. Hambal gani nila, Basta Ilongga… gwapa. Basta Radyo Bombo. Star FM It’s all for you,” ani Rabiya.

Kung maaalala, sa Bombo Radyo rin unang nagbahagi si Rabiya tungkol sa kanyang lovelife.

Rabiya and BF

Ayon kay Rabiya, labis ang kanyang pasasalamat sa kanyang boyfriend na walang reklamo sa kabila ng pagkakaroon na ng hectic schedule.

Anim na taon na aniya sila ng kanyang boyfriend na si Neil Salvacion, isang nurse at tubong Sta. Barbara, Iloilo.

Nagsimula ang kanilang love story noong siya ay nag-aaral pa sa Iloilo Doctor’s College at nangako sa isa’t isa na hindi maghihiwalay kahit ngayo’y instant celebrity.

“May ara na ko migo. hahaha. 6 years na po. Buenas man ako sa iya. Actually proud gid siya ya noh. Pero gina-intindi ya gid ko subong. Like the busy schedule. Gina-intindi ya nga wala na ko masyado time para sa iya. Ang kailangan lang gid namon ni-remind nga even before the fame, I had him already,” ani Rabiya.

Dagdag nito, “May ara na ko migo. hahaha. 6 years na po. Buenas man ako sa iya. Actually proud gid siya ya noh. Pero gina-intindi ya gid ko subong. Like the busy schedule. Gina-intindi ya nga wala na ko masyado time para sa iya. Ang kailangan lang gid namon ni-remind nga even before the fame, I had him already.”

“Damo gahambal nga ang iban mabreak man na after having the crown. But we will make sure to work things out. If it’s true love it will never end.”

Noong nakaraang buwan nang koronahan ang 24-year-old half Indian beauty bilang bagong kinatawan ng bansa sa Miss Universe coronation ngayong taon.

Tatangkain ni Mateo na maibigay sa bansa ang pan-limang Miss Universe crown.

Wala pa namang anunsyo hinggil sa petsa at venue ng prestihoyosong pageant.