-- Advertisements --
Hinikayat ng organizer ng Miss Universe Philippines ang mga kandidata na gumamit ng kanilang mga sariling wika bukod sa universal language na English.
Ayon sa Miss Universe Philippines Organizers na paraan nila ito para maibigkas ng mga kandidata ang mga nais nilang iparating sa question and answer portion.
Napansin kasi nila na maraming mga kandidata ang hirap na magsalita ng English pagdating ng nasabing portion.
Noong 2020 ng sinimulan ng Miss Universe Philippines ang panghihikayat sa mga kandidata na gumamit ng mga lokal na dialekto.