-- Advertisements --

Hindi na sash at crown kundi toga at cap na ang suot ni Miss Universe Philippines 2021 Beatrice Luigi Gomez.

Ito’y dahil nagtapos na ng kolehiyo si Gomez sa kursong AB-Mass Communication sa University of San Jose-Recolotes nitong lungsod ng Cebu.

Kasabay ng isinagawang commencement exercises, ginawaran ang Cebuana beauty queen bilang Most Outstanding Students ng Expanded Tertiary Education, Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP).

Sa naging talumpati nito, ibinahagi niyang hindi madali ang mga hamon na kanyang pinagdaanan bago ito nakamit.

Nanatili pa rin aniyang mahalaga para sa kanya ang makapagtapos sa kabila ng ilang ulit nitong paghinto sa pag-aaral at pumasok bilang public servant.

Sa ibinahaging post naman nito sa Instagram, pinasalamatan nito ang unibersidad na humubog sa kanyang pagkatao.

“I am beyond grateful to my home, the University of San Jose – Recoletos for honing me into the person that I am today. This is where I learned to break barriers and empower lives. I owe most of my successes to the people who taught me the values that I needed in order to not just withstand but outstand life. Always a Jaguar… Adelante! ,” saad sa post nito.