Itinanggi ng Miss Universe organization ang ulat na mayroong pambato ang Saudi Arabia sa nasabing pageant.
Kasunod ito sa pag-anunsiyo ng 27-anyos na si Rumy Alqahtani na nagagalak siya matapos na piliin ng Saudi Arabia para maging kauna-unahang pambato sa Miss Universe 2024.
Ayon sa Miss Universe organization na ang anunsiyo na ito ni Alqahtani ay “false and misleading”.
Isa sa mga dahilan ng organization ay walang sapat na selection process na isinagawa ang nasabing bansa.
Mahigpit sa kanilang panuntunan na dapat ay sumailalim ang kandidata sa criteria at regulations para matiyak ang fairness and transparency bago mairepresenta ang bansa.
Paglilinaw pa nila na hindi pa makakasali ang Saudi Arabia sa pageant hanggang makumpirma at maapruba ang committee.
Gaganapin ang Miss Universe pageant sa Mexico kung saan mayroong 100 na kandidata ang maghaharap-harap.