Inaresto ng mga otoridad ang asawa ng aktor na si Matt Evans dahil sa kasong estafa.

Kinilala ang suspek na si Riza Katrina Evans, 32.

Bitbit ng arresting officers ang warrant para sa estafa case ni Mrs. Evans sa Makati Metropolitan Trial Court Branch 66-A.

Sa pahayag ni Police Maj. Gideon Ines ng Makati City Police, maliban sa kasong estafa, may hiwalay pang cyberbullying case ang suspek sa Cebu.

Agad namang nakapaglagak ng P30,000 na piyansa si Katrina.

Tumanggi naman ang kampo ni Evans na maglabas ng anumang pahayag sa media hinggil sa isyung kanilang kinakaharap.