-- Advertisements --

Itinutulak ng ilang senador ang pagpapairal ng minimum standard para sa internet speed sa buong Pilipinas

Layunin umano nitong matiyak ang maayos na connectivity sa gitna na rin ng COVID-19 pandemic.

Base sa Senate Bill 1831 o Better Internet Act, ang minimum download speed na dapat maibigay ng telecommunication companies at internet service providers sa kanilang subscribers ay angkop sa global at regional standard.

Nagkakaisa sina Sens. Ralph Recto, Grace Poe at Manny Pacquiao na itakda ang 10MBPS bilang fixed broadband at 5MBPS ang mobile broadband sa mga highly urbanized cities, 5MBPS para sa fixed broadband at 3MBPS sa mobile broadband services sa lahat ng iba pang lungsod at 3MBPS para sa fixed broadband at 2MBPS sa mobile broadband services sa rural areas.

Kung magiging ganap na batas ang bill, oobligahin ang mga internet provider na sumunod sa nasabing connectivity speed sa loob ng tatlong taon.

Kaakibat nito, pagbabawalan ang mga telco at providers sa pag-aadvertise ng internet service speeds na hindi naman nito kayang ibigay.

Kung mabibigo ang telecommunication companies, aabot hanggang P2 million ang maaaring ipataw sa kanilang bawat paglabag.