-- Advertisements --

Inanunsiyo ng NASA na nagtapos na ang mission ng kanilang miniature robot helicopter na Ingenuity.

Sinabi ni NASA Administrator Bill Nelson na hindi na nila makontak ang Indgeniuity sa kaniyang ika-72 na flights.

Inilunsad ito noong 2021 na unang aricraft na nakagawa ng powered flight sa ibang planeta.

Sa unang plano ay isasagawa sana ang 30-day mission para isagawa ang limang maikling flight sa planetang Mars.

Ang nasabing maikling mission ay hindi nila akalain na tumagal ng hanggang tatlong taon na mayroong 72 flights.

Ayon pa sa US space agency na nagsagawa ng emergency landing ang Ingenuity sa kaniyang ika-71st flight.

Noong Enero 19 sa kaniyang huling flight ay nawalan na ito ng contact sa Perseverance ang rover na nagdala sa Ingenuity noong 2021.

Nakita nila sa imahe ng Perservance na nagkaroon ng damyos sa carbon fiber rotorblades ng nasabing Ingenuity.