Nananatili sa National State of Emergency ang buong Mindanao kahit pinawalang bisa na ang Martial Law.
Epektibo alas-12:00 ng hatinggabi kanina ay natapos na ang dalawang taon at pitong buwang umiiral na Batas Militar sa Mindanao.
Gayunman, nakaalerto pa rin militar laban sa mga teroristang grupo.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesperson B/Gen. Edgard Arevalo, nananatili ang Proclamation 55 o ang state of emergency na idineklara noong 2016 ni Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang nangyaring malakas na pagsabog sa Davao City.
Layon ng deklarasyon na mapigilan ang anumang lawless violence sa Mindanao.
Sa panig ng Philippine National Police (PNP), tiniyak ng tagapagsalitang si B/Gen. Bernard Banac na nakahanda sila na rumesponde sa anumang mga posibleng krimen at insidente.
Pinalakas din ng PNP ang kanilang security measure sa Mindanao.
Pinasalamatan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga sundalo at pulis dahil sa propesyonal at maayos na pagpapatupad ng Martial Law sa Mindanao.