-- Advertisements --

DAVAO CITY – Isinailalim na sa state of calamity ang buong Davao del Sur dahil sa naitalang malaking danyos mula sa naranasang lindol noong nakaraang mga araw.

Ito’y matapos nagkaisa ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Davao del Sur na ipasa ang isang resolusyon na nagdeklara na under the state of calamity ang nasabing probinsiya.

Pero isang malaking hamon sa lalawigan ang kasalukuyang sitwasyon dahil halos kalahating milyon na lamang umano ang natitira sa kanilang calamity fund, bagay na mahirap pagkasyahin upang maytulungan ang libo-libong apektadong pamilya.

Una nang isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Magsaysay kung saan halos P200 million ang danyos; Bansalan, P100 million; at Matanao, P50 million.

Naghatid na rin ng tulong si Senador “Bong” Go sa mga biktima ng lindol sa probinsiya.