-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO- Nagsilikas ang mga sibilyan nang sumiklab ang engkwentro ng militar at mga armadong grupo sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon sa ulat ng 601st Brigade na nagsagawa sila ng law enforcement operation nang mamataan ang mga armadong grupo sa Sitio Katongtong Brgy Lower Siling Buluan Maguindanao.

Agad nagkasagupa ang tropa ng 40th Infantry Battalion Philippine Army at mga armed lawless group.

Dahil sa takot ng mga sibilyan ay lumikas ito patungo sa mga ligtas na lugar.

Agad tumulong ang MDRRMO Buluan kasama si Maguindanao 2nd district Board Member Datu Glenn Yossef Piang sa pagligtas sa mga sibilyan na naipit sa gulo.

Wala namang nasugatan sa panig ng mga sundalo habang hindi matiyak sa mga armadong grupo.

Namahagi agad ng Relief Goods at mga gamit sa mga pamilyang apektado ng gulo ang ang Lokal na Pamahalaan Bayan ng Buluan sa pangunguna ni Mayor Babydats Mangudadatu kasama ang kapatid nitong si Board Member Datu DJ Parok Mangudadatu.