250px Ph locator maguindanao sultan kudarat

CENTRAL MINDANAO – Nagsilikas ang maraming sibilyan nang sumiklab ang sagupaan ng mga armadong grupo sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao police provincial director Colonel Arnold Santiago na muling nagka-engkwentro ang pwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) Task Force Itihad at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Brgy Dasawao Shariff, Saydona, Mustapha, Maguindanao.

Dahil sa tindi nang palitan ng putok sa magkabilang panig maraming mga sibilyan ang lumikas sa takot na maipit sa gulo.

May nasawi na at nasugatan umano sa engkwentro ng dalawang Moro fronts sa naturang bayan.

Una nito, noong nakalipas lamang na linggo nagkasagupa rin ang MILF at BIFF kung saan lima ang napaulat na nasugatan.

Nasa paligid lamang ang pwersa ng militar at nagmamasid sa sitwasyon kung saan handa itong tumulong sa MILF anumang oras.