-- Advertisements --
Nasilat ng Utah Jazz ang Los Angeles Clippers, 106-100.
Ginulat ni Mike Conley ang Clippers sa kanyang big game nang magpakawala ng pitong 3-pointers at umiskor pa ng season-high na 33 points.
Nagdagdag din naman si Donovan Mitchell ng 15 points.
Sa panig ng Clippers nasayang ang ginawa nina Paul George na nagtapos sa 25 points, eight rebounds at si Kawhi Leonard na may 20 points at 16 rebounds.
Ito na ang ikalawang game na nakasuot pa rin ng protective mask si Kawhi matapos ang injury sa kanyang bibig.
Sa ngayon nasa 3-2 na ang record ng Utah, samantalang lumasap na ng ikalawang talo ang Los Angeles mula sa anim na mga laro.