-- Advertisements --

Naungkat sa ika-14 na pagdinig ng Senate blue ribbon committee na tourist visa lang pala ang gamit ni dating presidential adviser on economic affairs Michael Yang, ngunit kumikita ito ng malaki sa mga transaksyon sa ating bansa.

Sa pagtatanong ni Sen. Richard Gordon, sinabi ni Yang na hiniram lang niya ang kapital sa kaniyang mga kaibigan at ang pamilya niya ang nagbayad ng kailangang halaga.

Pero giit ni Gordon, dapat tukuyin nito kung sino ang mga tinutukoy na kaibigan, upang ma-validate ang mga sinasabing transaksyon ng Chinese businessman.

Hirit pa ng blue ribbon committee chairman, napakalakas ng loob ni Yang na magnegosyo sa bansa, habang turista lamang ang kaniyang ipinagpaalam sa gobyerno bilang isang guest ng ating bansa.