michael yang
-- Advertisements --

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang Davao-based na negosyanteng si Michael Yang para hilingin na ipawalang bisa ang arrest orders laban sa kaniya.

Hiniling din nito ang pagpigil sa Senate blue ribbon committee na nagsasaliksik sa kaniyang mga yaman at mga buwis.

Sinabi ng kaniyang abogado na si Atty. Raymond Fortun na tila lumagpas na ang Senate blue ribbon committee sa kanilang jurisdiction.

Ang kanilang mga iniimbestigahan aniya ay hindi na bahagi umano sa imbestigasyon ng P42-billion COVID-19 funds na inilipat sa Procurement Service ng Department of Budget and Management.

Isa aniya itong “fishing expedition” na basta na lamang maghahanap ng kamalian ng isang tao.

-- Advertisement --