-- Advertisements --
Nagtala ng come-from-behind win ang Charlotte Hornets mula sa 10 point deficit upang masilat ang Miami Heat sa overtime game 129-121.
Naging bayani sa panalo ng Hornets si Malik Monk mula sa bench na tumipon ng 36 points kasama na ang siyam na 3-pointers.
Malaking tulong din ang ginawa ni Gordon Hayward na may 19 points at si LaMelo Ball na nagpakita ng 14 points at 7 assist sa una niyang pagiging starter.
Ito na ang kanilang 10 wins.
Hindi naman umubra ang big points ni Jimmy Butler na nagtapos sa 25 points at si Bam Adebayo na nasayang din ang 23.
Sa ngayon minamalas ang Heat na napako sa 7-13 record.