-- Advertisements --

Nagsama nang puwersa sina Bam Adebayo na may 22 points at Jimmy Butler na nagdagdag ng 20 points upang pangunahan ang Miami Heat sa paglampaso sa Portland Trail Blazers, 107-98.

Sa ngayon anim na laro na ang naipanalo ng Heat mula sa huling pitong games para iposte ang 28-25 record.

Sa laro kanina umabot pa sa 20 puntos ang naging kalamangan ng Heat sa unang bahagi ng fourth quarter at hindi na lumingon pa.

Umepekto rin ang mala-linta na depensa ng Miami na inilatag sa isa sa NBA best shooter na si Damian Lillard ng Blazers (31-22) na nagpakita lamang ng 12 points.

Inalat din ito at tatlo lamang ang naipasok mula lahat sa 3-point areas.

Para kay Adebayo, maganda raw itong panimula pasa sa kanilang four-game road trip.

Ang bagong Heat player na si Victor Oladipo ay wala pang katiyakan kung kelan babalik dahil sa tinamong right knee soreness.