Abanse na ng dalawang panalo ang Miami Heat matapos na ilampaso ang Philadelphia Sixers sa score na 119-103 sa Game 2 ng NBA semifinals sa Eastern Conference.
Nanguna sa opensa ng Miami sina Bam Adebayo na may 23 points, Jimmy Butler na nagdagdag ng 22 points at 12 assists at si Victor Oladipo na nag-ambag ng 19 points kasabay ng kanyang 30th birthday.
Ang 10 niyang puntos ay sunod-sunod na naipinasok niya sa 4th quarter.
Ang bagong nanalo naman na Sixth Man of the Year na si Tyler Herro ay hindi rin naman nagpahuli na nagbuhos ng 18 points.
Sinamantala ng Miami ang hindi pa rin paglalaro ng big man ng Sixers at MVP candidate na si Joel Embiid.
Dahil dito nasayang tuloy ang ginawa nina Tyrese Maxey na nagtala ng kabuuang 34 points para sa Philadelphia, habang may 21 naman na puntos mula kay Tobias Harris at 20 points kay James Harden.
Ang susunod na Game 3 ay gagawin na sa teritoryo ng Sixers sa darating na Sabado.