-- Advertisements --

Pasok na sa grand finale ng Drag Race Down Under vs. the World ang Filipina drag queen na si M1ss Jade So.

Nakuha ni Jade ang kanyang ikatlong badge matapos makapasok sa Top 2 ng isang episode ng international drag competition.
Dahil dito, kabilang siya sa mga queen na umabante sa semifinals ng kompetisyon.

Tatlo na ang badges ni Jade, kapantay nina Michael Marouli at Art Simone bago ang semifinal round.

Sa kompetisyon, ilang beses nang nakakuha ng papuri si Jade mula sa mga hurado dahil sa kanyang mga performance at kakaibang runway looks.

Nakilala si M1ss Jade So matapos ang kanyang paglahok sa Drag Race Philippines at ngayon ay kumakatawan sa Pilipinas sa international drag competition.

Samantala, bukod sa drag, patuloy rin ang kanyang paggawa ng musika. Kabilang sa kanyang mga bagong kanta ang “GODDESSA” at “BAPHOMETA.”

Sa grand finale, paglalabanan ng finalists ang korona, setro at titulong “Queen of the Mothertucking World,” pati ang AUD50,000 na premyo.