-- Advertisements --
Ibinunyag ng Pentagon na ang mga UFO sighting noong dekada 50 at 60 ay maaring resulta ng pagsasanay ng kanilang mga advanced US spy planes at space technology.
Dagdag pa nila na walang anumang ebidensiya na nakuha ang US government na ito ay mula sa mga alien.
Karamihan aniya sa mga sightings ng UFO ay mula sa ordinary objects mula sa mundo.
Hindi din ikinaila ng Pentagon na marami ang naniniwalang may alien silang nakikita dahil sa pagdami na ngayon ng mga napapanood sa social media.
Giit ng Pentagon na ginawa nila ang lahat ng makakakaya para patunayan ang nasabing ulat gaya ng pakikipagpulong sa NASA at ilang mga ahensiya subalit wala silang nakuhang mabigat na ebidensiya.