Puwede umanong manatili nang hanggang tatlong araw ang mga turistang bibisita sa Boracay na magsasagawa ng reopening sa Oktubre 1.
Ayon kay Department of Tourism (DoT) Sec. Bernadette Romulo-Puyat, ito ay kapag negatibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang mga turistang tutungo sa sikat na isla.
Hiniling naman ni Puyat na kapag negatibo ang resulta ng swab test ng mga nagbabalak pumunta sa Boracay ay mas maiging manatili muna sa kanilang mga bahay at huwag munang lumabas para manatiling covid negative ang mga ito.
Binigyang diin ni Puyat na covid-free ang Boracay kaya dapat ay maingat ang lahat ng mamamasyal doon.
Sa ngayon, nasa 200 hotels at resorts daw ang bubuksanmsa Boracay at mayroon itong 4,000 hotel rooms na mayroong nakalagay na health at safety protocols.