-- Advertisements --
Nakahanda ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na bigyan ng one-time aid ang mga tsuper ng dyip na mawawalan ng hanapbuhay dahil sa modernization program.
Ayon kay DSWD Director Miramel Laxa, maaaring mag-avail ang mga maaapektuhang tsuper ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) dahil maiuuri aniya ang mga ito na nasa krisis.
Ang naturang programa ng DSWD ay karaniwang ipinagkakaloob sa mga survivor ng kalamidad at para sa mga indigent na mayroong medical needs.
Ipinunto naman ng DSWD official na na ang AICS ay isang one-time disbursement aid.
Inihayag din nito na mas mainam na ikonsidera na mabigyan ang mga apektadong tsuper ng livelihood programs at grants na iniaalok ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.