-- Advertisements --

Doble-kayod ngayon ang mga telecommunications companies para maibalik ang kanilang mobile at internet service dahil sa pananalasa bagyong Ulysses.

Ayon sa kumpanyang Glboes na labis na nasira ang kanilang serbisyon sa Camarines Sur at Pampanga.

Naputol din ang mga fiber lines nila sa North at South Luzon at maging sa ilang bahagi ng National Capital Region.

Naging mabagal lamang ang kanilang pag-aayos dahil sa may mga lugar pa rin ang hindi humuhupa ang tubig baha.

Sa panig naman ng PLDT-Smart na may mga lugar ang nawalan ng suplay ng kuryente kaya nahirapan ang ilang mga subscribers na magamit ang kanilang mobile data.

Mayroong free calls at cellphone charging naman silang inilaan para sa mga lugar na nasalanta ng bagyo.