-- Advertisements --

Nagbukas ng apat na rapid testing area at isang swab testing booth sa NAIA terminal 4 para sa pagsusuri sa mga tauhan ng paliparan.

Kaya naman, nagkaroon ng limitadong operasyon ang NAIA para sa tatlong terminal lamang muna.

Ang nasabing hakbang ay upang maisagawa ng mabilis ang COVID-19 testing sa mga nasa ilalim ng Manila International Airport Authority (MIAA).

Umaabot 1,500 empleyado na ang na-test, habang hahabol na lang ang iba pa.

Hindi kasi maaaring sabay-sabay na gawin ang test dahil mahihinto ang airport operation, lalo na sa international flights.

Sa inisyal na hakbang, kukunan ng temperatura at ilang impormasyon ang empleyadong dadaan sa proseso.

Pagkalipas nito, saka sila ira-rapid test.

At ang mga positibo sa anti-body reaction ay isasalang naman sa swab testing.

Sa nakalipas na mga linggo, 55 staff na ng MIAA ang nagpositibo sa COVID-19, habang 17 naman ang nakarekober na sa nasabing sakit.