Pinatanggal ni Bureau of Correction director general Gerald Bantag ang mga tattoo
ng mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP).
Sinabi ni Bantag na layon ng “Oplan Bura Tatak” ang pagkakaroon ng pagkakakilalan ng bawat inmates ng mga gang na kanilang kinaaaniban.
Paglilinaw nito na ang mga tattoo lamang ng mga grupo o gang na kanilang kinaaaniban ang kanilang tinatanggal at hind ang mga tattoo na personal nilang ipinagawa.
Lumalabas kasi base sa kaniyang pananaliksik na kapag ang isang miyembro nila ang nasangkot sa isang gulo ay maggagantihan na ang mga ito.
Kumuha si Bantag ng mga propesyonal na mga tattoo artists para maging maayos ang pagtakpan at pagtanggal ng mga tattoo.
Plano ngayon ni Bantag na ipatupad sa ibang mga penal farms sa mga lalawigan at ganun din sa mga Correctional Institution for Women.
Kasabay rin ng pagtatakip ng mga tattoo ay ang pagsuko ng ilang mga inmates ng mga armas na nila bilang pagpapakita ng pagkakaisa sa kapayapaan.
Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay siyam na preso ang nasawi matapos na magkaroon ng riot.