-- Advertisements --

Ininspeksyon ni PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil ang mga himpilan ng pulisya upang suriin ang kahandaan ng mga Police Regional Offices para sa eleksyon bukas, Mayo 12. 

Kabilang sa mga sinilip ni Marbil ang Police Regional Office 13, Police Regional Office 9, at Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region. 

Nalugod ang opisyal ang maagap na paghahanda ng PRO13 para sa eleksyon, lalo na ang pamamahagi ng Push-to-Talk Over Cellular (POC) radios. 

Sinuri naman ni Marbil ang ang mga estratehiya ng PRO9 sa deployment na naglalayong tiyakin ang zero election-related incidents. 

Ang pagbisita na ito aniya ay pagbibigay-proteksyon sa proseso ng halalan at pagpapalakas ng institusyonal na kaunlaran upang maisakatuparan ang ligtas at mapagkakatiwalaang midterm