-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Nagpaalala si Kabacan, Cotabato Mayor Herlo Guzman Jr sa 24 punong barangays na higpitan ang pagbabantay sa kanilang nasasakupan.

Aniya, malaki ang maitutulong ng mahigpit na pagbabantay at pagpapatupad ng mga alituntunin ng LGU, provincial government at pamahalaang nasyunal sa laban kontra COVID-19.

Para mapigilan at hindi na kumalat ang nakakahawang sakit lalo na ang local transmission ng COVID.

Nagpasalamat naman ang alkalde sa patuloy na pagbaba ng Person Under Monitoring (PUM) sa bayan ng Kabacan na ngayon ay tatlo na lamang at dalawa ang Person Under Investigation (PUI).

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng mga frontliners sa Kabacan, Cotabato ang pagbabantay sa mga entry at exit points sa pinatutupad na preemptive lockdown.