-- Advertisements --
Supreme Court

Tinuldukan na ng Supreme Court (SC) ang pagtanggap ng mga petisyon na kumukuwestiyon sa ligalidad ng Anti-Terror Law sa sa consolidation.

Sa isinagawang deliberasyon ngayong araw SC en banc, ang  huli umanong kanilang tatanggapin para sa consolidation ay ang ika-35 petisyon na mayroong mahigit 27 lady petitioners na kumukuwestiyon sa naturang batas.

Ayon sa SC, kapag mayroon pa raw maghahain ng petisyon ay ira-rafle na ito sa ibang mahistrado na hahawak sa reklamo at ituturing na itong hiwalay na kaso.

Ginawa ng SC ang naturang desisyon matapos umabot na sa mahigit 30 ang mga petisyon na kumukuwestiyon sa naturang batas.

Pero pagdedesisyunan pa raw ng SC kung magkakaroon ng oral argument sa kaso na una nang itinakda ngayong ikatlong linggo ng Setyembre.

Kasunod na rin ito ng hirit ng Office of the Solicitor General na huwag nang ituloy ang oral arguments dahil pa rin sa panganib na dulot ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sinabi naman ng mapagkakatiwalaang source ng Bombo Radyo sa Korte Suprema na sa isinagawang case raffle ay napunta kay SC Associate Justice Rosmari Declaro Carandang ang kaso.

Ang ponente o susulat ng desisyon ay siyang aatasan ng SC na pag-aralan ang kaso at gumawa ng rekomendasyon sa en banc.

Si Carandang, na 9th placer sa 1975 Bar Examinations ay inirerespeto raw ng kanyang mga kasamahan sa kataas-taasang hukuman dahil sa pagiging matalino noong nag-aaral pa at ang kanyang stint sa judiciary.

“The law is an act of State overreach at the expense of fundamental rights. It has the effect of nullifying what should be protected according to the Constitution like free speech, due process, presumption of innocence , right to assembly , right against unreasonable searches and warrantless arrests, and right to bail, among others,” ayon sa mga mahistrado.