-- Advertisements --

Hiniling ni Atty. Romulo Macalintal. ang matagal ng senior citizen rights advocate sa gobyerno na kung maaari ay payagan ng makalabas sa kanilang bahay ang mga senior citizens na naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Dagdag pa nito na dapat magkaroon ng bahagyang adjustment ang gobyerno lalo na at nasimulan ang bakunahan ng anti-COVID-19 ang mga senior citizens.

Sumulat na rin ito sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) ukol sa nasabing usapin.

Maaaring makalabas ang nasabing mga senior citizens basta mahigpit pa rin nilang sinusunod ang mga ipinapatupad na health protocols.