-- Advertisements --

May nakitang epekto ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa daloy ng trapiko ang lingguhan pagtaas ng langis sa bansa.

Napansin ng MMDA na bumababa ang bilang ng mga sasakyang naitatala nilang bumabagtas sa EDSA dahil sa taas ng presyo ng krudo.

Mula aniya sa dating mahigit 417,000 noong Mayo ay ngayon lamang ay mayroong mahigit 390,000.

Sinabi ni MMDA Chairman Romando Artes na maaring sumasakay na lamang ang ilang mga car owners sa mga pampublikong transportasyon dahil sa lingguhang taas presyo ng gasolina at diesel.