Rico Blanco
Rico Blanco / FB image

Nagsama-sama ang mga rock icons ng bansa sa isang collaboration ng mga kanta ng U2 na nakatakdang mag-concert sa bansa sa Disyembre 11 sa Philippine Arena.

Pinangunahan ito ni dating Rivermaya frontman Rico Blanco, Barbie Almabis, dating Eraserheads members Buddy Zabala at Raymund Marasigan, Francis Reyes ng The Dawn at dating Rivermaya bassist Japs Sergio.

Isinagawa ang nasabing Prelude to U2: The Gig sa 12 Monkeys Music Hall sa Pasig City noong Nobyembre 25.

Kinanta nila ang mga sikat na awitin ng U2 gaya ng “Sunday Bloody Sunday” , “One” , “Angel of Harlem”, “I Will Follow”, “With or Without You” at maraming iba pa.

Nagsimula ang nasabing pagsasama-sama sa isang Tweet ni Rico Blanco kung saan nananawagan ito sa kapwa niya musikero kung sino ang interesado na samahan siya sa nasabing pagtugtog.