-- Advertisements --

Inanunsiyo ng legendary band na U2 ang muling pagbabalik nila sa eksena.

Mahigit walong taon silang nahinto sa paggawa ng kanta at pagsasagawa ng konsiyerto dahil sa pagpapagaling ng kanilang drummer na si Larry Mullen Jr.

Nagkaroon kasi ng neck injury si Mullen kaya nahinto sila na gumawa ng kanta.

Sinabi nito na labis na itong magaling kaya handa na muli silang sumabak sa pagkanta.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng grupo ay ang “With Or Without You”, “Sunday Bloody Sunday” at maraming iba pa.