-- Advertisements --

Isinailalim na ang lahat ng mga residente na naninirahan sa mga coastal areas sa Davao Oriental sa isang force evacuation matapos na tumama ang magnitude 7.4 na lindol sa rehiyon.

Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), kabilang sa mga binigyang paalala at babala para sa tsunami warning ang mga coastal areas ng Eastern Samar, Southern Leyte, Leyte, Dinagat Islands, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur at Davao Oriental.

Patuloy naman na nakamonitor ang buong OCD at maging ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) para tutukan ang mga kasalukuyang sitwasyon sa lugar.

Samantala, sa ngayon, nakapagtala na ng casualties sa rehiyon na siya namang patuloy pa ring sumasailalim sa beripikasyon habang nakapagtala na rin ng mga pinsala sa mga imprastrasktura ang ahensya dulot pa rin ng lindol.