-- Advertisements --
Patuloy ang ginagawang paglikas sa mga residente ng Yellowknife City sa Canada dahil sa patuloy na pananalasa ng wildfire.
Nasa mahigit 20,000 katao na ang inilikas dahil sa nasabing insidente.
Bukod sa nasabing lugar ay mayroon ding hiwalay na wildfire ang nangyayari sa Kelowna City kung saan naninirahan ang nasa 150,000 katao at nakatakda silang magdeklara ng state of emergency.
Umaabot sa halos 240 na mga aktibong wildfire ang naitala sa iba’t-ibang bahagi ng Canada.