-- Advertisements --

Pinaghahanda ng National Weather Service (NWS) ang mga residente ng California dahil sa paparating na “parade of cyclones”.

Maaaring maapektuhan nito ang northern at Central California kung saan makakaranas sila ng matinding pag-ulan at pagbagsak ng makapal na yelo.

Mula pa noong nakaraang linggo ay nasa anim na katao na ang nasawi dahil sa sama ng panahon.

Nasa mahigit 460,000 na kabahayan naman ang nawalan ng suplay ng kuryente sa California mula nitong Linggo ng umaga.

Inaasahan na nasa limang talampakang yelo ang mararanasan sa bulubundukin ng Sierra Nevada.