-- Advertisements --

CEBU CITY -Pinirmahan na ni Cebu City Mayor Edgardo Labella ang isang Joint Advisory ng Cebu City government, Basilica Minore del Sto. Niño, Inter-Agency Task Force(IATF) Cebu at Cebu City Police Office kaugnay sa simpleng pagdiriwang sa 456th Fiesta Señor nitong lungsod sa darating na Enero 2021.

Kugnay nito, kanselado na ang iilang relihiyoso at nakaugaliang aktibidad gaya ng Penitential Walk with Jesus, Walk with Mary, Translacion, fluvial procession, planting of the cross, solemn foot procession at ang proposed Cebu Provincial Pilgrimages upang maiwasan ang pagdagsa ng mga tao at ligtas mula sa coronavirus disease (COVID-19).

Kabilang din sa nasabing joint order ang hindi pagsagawa ng motorcade na hahalili sana sa mga nabanggit na mga aktibidad.