-- Advertisements --
Gumamit ng mga tear gas at water cannon ang mga kapulisan sa Indonesia laban sa mga estudyante na nagsagawa ng kilos protesta.
Ikinagalit kasi ng mga protesters ang panukalang pagpapalawig ng termino ng mga pangulo.
Magtatapos na kasi sa 2024 ang termino ni President Joko Widodo subalit may ilang mga mambabatas ang nagpanukala na dapat baguhin ang konstitusyon at palawigin ang termino ng kanilang pangulo.
Umabot sa mahigit 2,000 mga mag-aaral ang nagtipon sa harap ng House of Representatvie building at doon isinagawa ang kilos protesta.










