Suportado ng mga pribadong paaralan sa bansa si Sonny Angara bilang kalihim ng Department of Education.
Ginawa ng Coordinating Council of Private Educational Associations ang pahayag kasunod ng naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos sa lahat ng kanyang gabinete na magsumite ng courtesy resignation.
Buo ang surpota ng grupo para sa panawagang panatilihin bilang kalihim ng ahensya si Angara.
Binigyang diin ng grupo na malaki ang maitutulong ni Angara sa reporma ng edukasyon sa bansa, public-private collaboration at iba pang mga programa ng ahensya.
Hulyo 2024 ng maitalaga si Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education kasunod ng pagbibitiw noon ni Vice President Sara Duterte .
Pinuri rin ng grupo si Angara dahil sa pamumuno nito sa implementasyon ng Public-Private Complementary Framework na isang pangunahing inisyatibo ng ahensya upang mabigyan ng aksyon ang kasalukuyang kinakaharap ng sektor ng edukasyon sa bansa.